TUNGKOL SA AMIN
Ang Pampurok na Distrito ng Transportasyon ay itinatag noong 1969 sa pamamagitan ng Colorado General Assembly upang bumuo, mapatakbo, at mapanatili ang isang pangmasang sisterma ng transportasyon para sa kapakinabangan ng mga tao na nasasakop ng RTD. Ang 2,340 milya kuwadradong distrito ay naglilingkod sa lahat o bahagi ng walong mga probinsya:
- Boulder
- Broomfield
- Denver
- Jefferson
- Adams
- Arapahoe
- Douglas
- Weld
Ang tagapamahala ng RTD ay may 15 miyembrong inihalal bilang Lupon ng mga Direktor, sa bawat inihalal na direktor sa pamamagitan ng distrito ay may apat na taong termino. Ang bawat distrito ng direktor ay mayroong humigit-kumulang 180,000 na residente.
ANG AMING MISYON
- Tutugunan ang kasalukuyan at hinaharap na mga pangangailangan ng ating mga mamayanan ng pampublikong sasakyan sa papamagitan ng pagbibigay ng ligtas, malinis, maasahan, magalang, naa-access, at sulit na serbisyo sa buong Distrito.
- Bilang isang pampublikong ahensiya, kami ay nakatuon upang magpagsilbihan ang publiko at matugunan ang kanilang mga pangangailangan na magkaroon ng isang ahensiya ng tagapaghatid.
- Ikokonekta namin kayo sa inyong komunidad. Dadalhin namin kayo mula sa dako A hanggang sa B ng ligtas, sa tamang oras, at sa malinis at naa-aaccess na mga sasakyan.
- Ang aming prioridad ay bigyan kayo ng pinakamahusay na serbisyo. Nais naming maging kaaya-aya ang bawat paglalakbay ninyo sa RTD.
- Nakikipagtulungan kami upang mapabuti ang aming serbisyo. Nakikinig kamisa inyong mga mungkahi at matugunan ang inyong mga alalahanin dahil ang inyong mga saloobin ay mahalaga sa amin.
- Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng isang abot-kayang serbisyo sa aming mga mananakay.
Saan makakabili
Mga Sona ng Pamasahe sa Tren
PAANO SUMAKAY
Kung ikaw man ay bumibisita, bago lamang sa lugar o bago lamang sa pagsakay, ang RTD ay ginawang madali upang malaman kung papaano makapunta sa iyong gustong puntahan. Ang isang mahusay na lugar upang magsimula ay ang aming trip planner. Ito ay makakatulong sa inyo upang malaman kung aling mga ruta at serbisyo ang gagamitin upang maabot ninyo ang nais na patunguhan.
Suriin ang mga pamasahe at pases upang malaman kung magkano ang inyong pamasahe. Kung ikaw ay nakasakay sa tren, ang tiket vending machine (TVM) ay magbibigay kung magkano ang iyong pamasahe kapag inilagay mo ang panimula at pagtatapos ng iyong destinasyon. Bayad sa pagpaparada ay naaangkop sa ilang Park n Rides. Alamin ang tungkol sa mga bayarin sa pagpaparada sa pamamagitan ng pagbisita kung paano magparada.
Kung ikaw ay palagiang sasakay sa RTD, tignan ang lahat ng mga produkto ng pasahe tulad ng mga tiket booth at pases na nandiyan upang makatulong kung paano ka makakatipid ng pera. Mayroon din sa mga online store.
Ang ilan sa mga pinakasikat na mga serbisyo para sa mga bisita ay ang RTD SkyRide and University of Colorado A Line mula sa at galing sa Pandaigdigang Himpapawid ng Denver at ang Free MallRide na ang tinatakbo ay ahab ng 16th Street Mall sa Denver.
Kung kakailanganin mong lumibot ng mga ilang araw, nag-aalok ang RTD ng isang 10-Ride Ticket Book para sa mga bisita na darating sa bayan para sa isang maikling pananatili. Bayad sa mga pagpaparada ay naaangkop sa ilang mga RTD Park-n-Ride. Alamin ang tungkol sa mga bayarin sa pagpaparada sa pamamagitan ng pagbisita kung paano magparada.
KALIGTASAN AT SEGURIDAD
TAGABANTAY NG MANANAKAY
Ang Sangay ng Kaligtasan at Seguridad ng RTD ay nakipagsosyo sa Homeland Security upang makabatid ang kamalayan ng mga posibling banta sa ating Sistema ng mananakay.
MGA PAGBABAGO NG SERBISYO
Gumagawa ang RTD ng mga pagbabago ng serbisyo sa aming Sistema upang matugunan ang mga magkakaibang mga pangangailangan sa paglalakbay ng mga komunidad na aming pinaglilingkuran. Ang mga pagbabagong ito ay mangyayari tatlong beses bawat taon, tuwing Enero, Mayo at Agosto.
MAG-SIGN UP para sa mga BAGONG KAGANAPAN SA MGA pagbabago ng serbisyo
Magsign-up para rider alert email upang simulang makatanggap ng mga alerto sa mga email rider ng mga bagong kaganapan sa mga pagbabago ng serbisyo sa.
KARAGDAGANG IMPORMASYON SA IYONG MGA WIKA
Kung ikaw ay hindi isang lokal na nagsasalita ng Ingles, maari kang makakuha ng lahat ng mga nilalaman sa rtd-denver.com sa iyong sariling wika. Gumagamit ang RTD ng Google Translate upang isalin ang teksto at iba pang mga bahagi ng aming website, kapag hinling ng mga gumagamit. Upang magamit ang paraan na ito, mangyaring pindutin ang pindutan sa ibaba ng pahinang ito na magsasabing “translate this page”.
Hindi ginagarantiya ng RTD ang katiyakan ng mga serbisyong ito, na kung saan ay inilaan sa iyon bilang paggalang. Minsan may mga pagkakamali sa pagsasalin sa awtomatikong pagsasalin na ibinigay ng Google – hindi kami mananagot sa mga ito.